Durugista dinamba sa P14M shabu

Durugista dinamba sa P14M shabu

May 6, 2022 @ 10:43 AM 3 weeks ago


BACONG, Negros Oriental- HIGIT sa P14-milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang tulak ng illegal na droga sa ginawang buy bust operation nitong Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Raul Retes Sabanal, 31, at residente sa Barangay Isugan, ng naturang bayan.

Batay sa report ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO), isinailalim sa monitoring ang suspek dahil sa pagtutulak nito ng droga at ng magpositibo inilatag ang operasyon laban kay Sabanal.

Isa sa mga operatiba ang nakabili ng shabu kaya agad itong pinosasan.

Nakuha sa suspek ang nasa 200 gramo ng illegal drugs na aabot sa halagang P14.9-M market value.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek./Mary Anne Sapico