Durugista nalambat sa drug buy-bust

Durugista nalambat sa drug buy-bust

April 7, 2021 @ 1:36 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN — Naghihimas na ng rehas na bakal ang isang durugista matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation pulisya rito sa Barangay Dugo, Camalaniugan ng lalawigang ito.

Kinilala ni P/Maj. Reymond-IV Asistores, hepe ng PNP Camalaniugan ang naaresto ay si John Paul Jerusalem, 19, construction worker na residente ng Barangay San Jose Lal-lo, ng bayang ito na nasa Street Level Individual list.

Narekober sa pag-iingat ni Jerusalem ang isang zip-locked transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at tatlong piraso na tig-P100 kung saan ang isa rito ay genuine bilang marked money.

Kung saan ay sinaksihan ng REMATE at ilan barangay opisyal ang nasabing inventory sa mga nakumpiskang pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug buy-bust operation.

Sa eksklusibong panayam ng REMATE kay PMaj. Asistores ay bahagi ng mandato at direktiba ni PCol. Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO na paigtingin ang kampanya laban sa illegal drugs.

Nahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco


  •  
  •  
  •