Durugistang gangster na killer ng PWD, arestado

Durugistang gangster na killer ng PWD, arestado

January 6, 2023 @ 7:17 PM 4 weeks ago


Bulacan – Arestado na ang gangster na suspek sa pananaksak at pagpatay sa binatilyong PWD sa ikinasang hot pursuit operation ng pulisya sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo, ang suspek na si Joshua Paul Saladaga Magpayo, 18, alyas “Intsik”, binata, laborer at residente ng Brgy. Anilao.

Sa report ni Malolos Acting chief of police PLt. Col. Ferdinand Germino, naaresto ang suspek bandang 2:30 ng madaling araw nitong Enero 6, sa Brgy. Caniogan.

Ayon sa report, namg huhulihin na si Intsik ay bumunot ito ng kitchen knife sa kanyang baywang at sinaksak si PCpl Leonil Aquino isa sa dawalang pulis na umaresto sa kanya.

Nalamang naiwasan ni PCpl Aquino ang pananaksak ng suspek hanggang dambahin niya at tuluyang maaresto ito.

Nang kapkapan ay nakumpiska sa kanya ang sling bag na may lamang ziplock plastic sachet na pinaghihinalaang marijuana fruiting tops, improvised glass tube at tatlong piraso ng papel na may pinaghihinalaang mariuana fruiting tops at kitchen knife.

Sinasabing ang suspek ay pawang miyembro ng Malolos Bad Child gang na itinuturong tumadtad ng saksak at nakapatay sa PWD na si Christopher Velasco nitong Enero 1 sa naturang lungsod.

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III