Durugistang kagawad nabitag

Durugistang kagawad nabitag

September 22, 2022 @ 2:20 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine Natiibal Police (PNP) ang isang kagawad ng barangay matapos ang isinagawang operasyon sa Tuguegarao City.

Sa ulat ng mga operatiba ng PDEA Regional Office II, kay  Director Joel Plaza , sa ilalim ng direktiba ni Director General Wilkins M. Villanueva, ang naaresto ay nakilala na si Marlon Corpuz y Cahigas, 49 anyos, nasa listahan ng  High ValueTarget at  Elected barangay  Official ng Zone 2, Molave ​​​​Street, Capatan, Tuguegarao City.

Sa pamamagitan ng search warrant na  inilabas ng RTC, Tuguegarao City, nagawang salakayin ng mga otoridad ang bahay ng suspek at magsagawa ng paghahalughog.

Narekober mula sa tahanan ni Corpuz ang limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng isang gramo ng shabu na  may market value na P6,800.00, isang  piraso na transparent sachet na may laman na sampung gramo ng pinatuyong marijuana, na may halagang P1,200.00, isang  black pouch at ilang piraso ng mga  transparent plastic sachet na wala ng mga laman.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz