Duterte at Kuya Wil, nag-usap!

Duterte at Kuya Wil, nag-usap!

March 5, 2021 @ 9:58 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Nag-dinner kamakailan sina Willie Revillame, Senator Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa gitna ng kanilang hapunan ay tinanong daw ni Go ang TV host kung ano ang plano nito. Sagot naman daw ni Kuya Wil ay ipagpatuloy lang ang kanyang ginagawang pagbibigay-saya at pagtulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng programa niyang “Wowowin Tutok To Win.”

Maya-maya pa’y ipinasa ni Go ang telepono sa TV host, nasa kabilang linya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bilang respeto’y nag-good evening, Mr. President si Kuya Wil. Sinabihan daw siya ni Presidente na aware ito sa ginagawa niya para sa ating mga kababayan dahil nanonood ito ng kanyang show.

Natapos ang usapan.

Muling kinausap ni Go si PRRD at nang magbaba ng telepono ay hinarap niya ang TV host, “Sabi ni PRRD, leave your options open.”

Nagtataka raw si Kuya Wil kung ‘yun ba’y pang-eengganyo sa kanya na pumasok sa pulitika. At kung oo ay para sa anong puwesto? Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •