Duterte-Duterte tandem, posible sa 2022 national elections

Duterte-Duterte tandem, posible sa 2022 national elections

September 22, 2020 @ 7:33 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kakain ng alikabok ang magtatangkang lumaban sa “Duterte-Duterte” tandem sa 2022 National Elections.

Ito ang binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo makaraan niyang sabihin na nais niyang tumakbo bilang  Bise Presidente  si Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang ang  anak naman ng Pangulo na  si Davao City Mayor Sara Duterte ang tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Sinabi pa ni Sec. Panelo na hindi mag-o-overstay si Pangulong Duterte sa Malakanyang at tatapusin niya ang kaniyang termino sa kabila ng mga isyu sa kaniyang kalusugan.

Binigyang diin nito na walang sinumang makatatalo kapag nag-tandem na ang mag-amang Duterte.

Sa katunayan, nangyari na aniya ito nang magsilbi noon si Pangulong Duterte bilang Bise Alkalde ng Davao City habang Alkalde naman si Inday Sara mula 2010 hanggang 2013.

May pagkakataon ding sinabi ni Sec. Panelo kay Mayor Sara na parehas sila ng tatahaking landas ng kaniyang ama. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...