Duterte, handa sa pagsugod ng iba’t ibang grupo sa SONA 2018

Duterte, handa sa pagsugod ng iba’t ibang grupo sa SONA 2018

June 17, 2018 @ 12:47 PM 4 years ago


Walang problema kay pangulong Rodrigo Roa Duterte kung magdagsaan man at sumugod ang mga militanteng grupo pati na rin ang mga kritiko ng gobyernong Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa susunod na buwan.

Ang lahat ay malayang maglabas ng kanilang saloobin sa mga isyu ng bansa pero walang karapatan ang sinuman na manggulo para lamang sa kaniyang kagustuhan.

Kapag sinamahan umano ng panggugulo ang anumang uri ng kilos-protesta ay kahaharapin na nila ang pwersa ng pamahalaan.

Subalit, binalaan naman nito ang mga dayuhan na mang-aalispusta sa kanya at ito daw ay hindi niya palalagpasin.

Ang SONA ng Pangulo ay nakatakda tuwing ikatlong Lunes ng buwan ng Hulyo kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kamara at ng Senado. (KRIS JOSE)