Duterte kay Galvez: COVID vaccine deals ipaalam kay Sotto

Duterte kay Galvez: COVID vaccine deals ipaalam kay Sotto

January 19, 2021 @ 7:48 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inatasan na ni President Rodrigo Duterte si  czar Carlito Galvez Jr. na ilantad kay Senate President Vicente Sotto III ang detalye ng COVID-19 vaccine deals para sa transparency.

“Kausap ko po si Pangulo at inatasan niya si Secretary Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto at nagkausap na rin po kami ni Senate President Sotto ukol dito para magkaroon po ng transparency,” ani Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

“For transparency naman ang gusto ng pangulo… pero importante ‘wag maantala ang vaccine implementation.”

Nauna ngang sinabi ni Galvez na posibleng mawala ang 148 milyong dose ng bakuna kung ilalantad ang presyo nito sa publiko.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •