Duterte kumpletong bakunado na

Duterte kumpletong bakunado na

July 12, 2021 @ 9:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm.

Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte.

“I confirm that PRRD had his second dose of Sinopharm tonight before his meeting with select members of the IATF. Sec Duque administered the jab to the President,” ayon kay Sec. Roque.

Matatandaang buwan ng Mayo nang mabakunahan si Pangulong Duterte sa Malacañang.

Ang itinurok kay Duterte ay ang Chinese vaccine ng Sinopharm na inirekomenda umano ng kanyang personal na doktor.

Mismong si Sec. Duque rin ang nag-administer ng unang dose kay Pangulong Duterte.

“I feel good and I have been expecting this shot a long time ago… It took my private doctor a long time to make the assessment. And she has chosen Sinopharm. Sinopharm itong tinuturok sa akin,” ani Duterte.

Wala naman umanong negatibong reaksiyon ang Pangulo at nakapag-public address pa siya pagkatapos mabakunahan.

Pero pagtataka ng marami ay kung bakit Sinopharm ang itinurok gayong wala pa itong emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.

Mabilis namang nilinaw ng Department of Health na walang batas na nalabag dahil compassionate special permit umano ang basehan ng pagturok ng Sinopharm kay Duterte. Kris Jose