Duterte magpapakademonyo vs droga; sinabihan si Quiboloy na tubusin siya sa impyerno



Duterte magpapakademonyo vs droga; sinabihan si Quiboloy na tubusin siya sa impyerno

June 9, 2021 @ 8:18 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Handa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “magpaka-demonyo” para labanan ang bentahan ng illegal na droga na kanyang ipinangakong pupuksain noong 2016.

Muling inulit nito ang kanyang banta sa mga drug traffickers na , “You deal with drugs, you destroy my country. I will kill you. I will not mince words.”

“You’re doing an evil thing and you think you can conquer good… Sometimes I also do evil, so evil to evil tayo,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi.

“And do not ever, ever think that you are the only one who can do evil things kasi ako, marunong din akong bumaba sa impyerno to really meet you where you want it to be,” dagdag na pahayag nito.

Batay sa data ng pamahalaan, tinatayang 6,000 katao ang napatay dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

May iba’t ibang grupo naman ang nagsabi na libo-libong katao naman ang napatay dahil sa extrajudicial killings.

Sinabi ng Pangulo na hinding- hindi niya papayagan na mapatay ang mga kabataan sa kanyang drug war.

“Sabi ko hulihin na lang,” anito.

Samantala, dalawang non-governmental organizations (NGOs) ang nagsabi noong nakaraang taon na may 122 kabataan ang napatay sa PIlipinas dahil sa “war on drugs”.

“If you want to play evil with me kaya ko rin… Kung wala ka na kaluluwa, edi wala rin akong kaluluwa. And if you have to mortgage your soul to the devil, I can also talk to the devil at sabihin ko ring ‘Ibigay mo yang kabalastugan kasi gagawin ko ‘yan sa kanila,” ani Pangulong Duterte.

“Of course, it is true that you are not supposed to kill, you are not supposed to because we are on the good side. Pero kung wala na lang, bad sila tapos hindi mo naman tapatan ng bad, mahirap ‘yan,” aniya pa rin.

At ang tila habilin nito kay Quiboloy ay, “Sana naman tubusin mo na lang ako sa impyerno.” Kris Jose


  •  
  •  
  •