Duterte mangunguna sa PDP-Laban nat’l assembly sa Hulyo 17

Duterte mangunguna sa PDP-Laban nat’l assembly sa Hulyo 17

July 14, 2021 @ 5:47 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang national assembly ng PDP-Laban na inorganisa ni Energy secretary at party vice chairman Alfonso Cusi sa Hulyo 17.

“July 17, that is the national assembly. The national assembly will be presided by the president, the chairman of the party, President Rodrigo Duterte. There are personalities who will attend,” saad ni PDP-Laban deputy secretary general Atty. Melvin Matibag sa isang virtual press conference.

Ani Matibag, magkakaroon ng presensya ng Presidential Security Group (PSG) sa gaganaping pagpupulong kaya’t magiging mahigpit ang seguridad.

Nitong Martes, nagpulong si Duterte at ilang kapartido nito sa Malakanyang.

Samantala, kahit pinatalsik si Cusi, kinikilala pa rin ni Duterte ang liderato nito.

Una nang sinabi nina Senator Aquilino Pimentel III at Senator Manny Pacquiao na hindi dadalo sa pagpupulong dahil anila ay hindi ito otorisado.

Kasalukuyang nagkakagirian si Duterte at Pacquiao matapos isiwalat ng senador ang umano’y katiwalian. RNT/ELM