Duterte pwedeng mamagitan sa Russia-Ukraine conflict – ex-spox

Duterte pwedeng mamagitan sa Russia-Ukraine conflict – ex-spox

March 22, 2022 @ 10:15 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si UniTeam senatorial candidate Harry Roque na puwedeng makatulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamagitan sa Russia-Ukraine lalo pa’t ang Pilipinas ay nananatili sa “neutral position” at “constitutionally-mandated foreign policy of peace” sa ibang bansa.

“Philippines has a stake in the conflict’s peaceful resolution because of the country’s dependence on imported oil and gas and strong bilateral partnership with Russia,” ayon kay Roque.

Tinukoy ang friendly Philippine-Russia relations mula nang magsimula ang administrasyong Duterte, nasaksihan ni Roque ang personal ties sa pagitan nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin.

Sa kamakailan lamang na talumpati ng Pangulo sa Tacloban City, kinilala ng Chief Executive ang pagkakaibigan nila ni Putin at inaming apektado sa kasalukuyang situwasyon ng Russia.

Sa kabila nito, nananatili namang “neutral” si Pangulong Duterte sa nasabing usapin.

Dahil dito, nakikita ni Roque si Pangulong Duterte bilang potential mediator, sa awayang Russia at Ukraine.

Ani Roque, kaibigan ng Russia si Pangulong Duterte at mayroong magandang relasyon sa United States government mula nang magkaroon ng Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

“We have diplomatic relations with Ukraine despite the absence of a resident ambassador there,” ani Roque.

“I believe that these countries, including US allies, will listen to what President Duterte has to say regarding the peaceful settlement of the Russia-Ukraine dispute,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose