Duterte sa COVID-19: Kaya natin ‘to, maliit na bagay

Duterte sa COVID-19: Kaya natin ‘to, maliit na bagay

March 16, 2021 @ 8:20 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang loob ng publiko kasabay ng pagsiguro nito na malalagpasan ng bansa ang COVID-19 maging ang pagtaas ng kaso ngayon.

“Kaya natin ito. Itong COVID-19. Maliit na bagay lang ito. Madami tayong nadaanan. Huwag kayong matakot, hindi ko kayo iwanan,” anang Pangulo sa publiko sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

Ang talumpati ng Pangulo ay kasabay din ng muling pagpapatupad ng mas mahaba at mas maagang curfew sa buong Metro Manila na mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. ng March 15 hanggang March 31. RNT