Duterte sa DBM: No politics…ipamahagi ang badget sa lahat

Duterte sa DBM: No politics…ipamahagi ang badget sa lahat

August 5, 2018 @ 10:13 AM 4 years ago


 

 

Davao City – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang bahid ng pulitika ang distribusyon ng badget sa kaniyang administrayon.

Inutusan ng Pangulo si Budget Secretary Benjamin Diokno upang ipamahagi ang badget sa lahat anuman ang panig nito sa politika.

“My order to Diokno: No politics,” ayon sa pangulo sa kaniyang talumpati sa Malaybalay, Bukidnon.

“No politics, give it to all, spread the money to the people of the Philippines,” dadag pa ng Pangulo.

Nasa Bukidnon si Duterte upang ilunsad ang P500-million drug rehabilitation center na pinondohan ng isang Chinese na negosyante.

Sinabi rin ng pangulo na tatapusin niya ang kaniyang trabaho kahit na magamit niya ang lahat ng kaniyang lakas sa para matupad ang kaniyang ipinangako noong nangangampaniya. Remate News Team