Duterte sa Immigration extortionists: ‘One mistake, you die’

Duterte sa Immigration extortionists: ‘One mistake, you die’

June 21, 2018 @ 8:37 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binalaan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga immigration official na nangongotong ng pera sa mga dayuhang pumapasok sa bansa.

“Itong immigration, kapag ang turista nakalabas na ng airport, nakakatak na, given so many days, huwag na huwag niyong lapitan lalo na ang mga Koreano at Intsik,” ang sabi ni Duterte sa kanyang speech sa Cabatuan, Iloilo.

Ayon sa Pangulo, may mga immigration personnel na kadalasang gumagawa ng “drama” at pagkatapos ay nanghihingi ng pera sa mga walang kamalay-malay na turista o dayuhan.

“So there’s a lot of stupid things going on. Do not do that because isang mali lang, hihiritan kita. Either patayin kita o sampulan kita o itapon kita sa Jolo,” anang galit na Pangulo.

Ngunit hindi naman nabanggit kung aling isyu ang ikinagalit ng Pangulo.

Pero ayon sa mga miron, posibleng may kinalaman ito sa huling insidente ng “tanim-bala” sa NAIA kamakailan.

Galit na galit kasi ang Pangulo sa mga abusadong tauhan ng airport na tila nakasanayan nang manloko ng mga taong pumapasok at lumalabas sa mga paliparan. (Remate News Team)