Duterte sa kapartido: Siguruhin ang integridad sa 2022 poll

Duterte sa kapartido: Siguruhin ang integridad sa 2022 poll

October 17, 2021 @ 8:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapartido mula sa PDP-Laban na panatilihin ang integridad ng mga kandidato nito sa Halalan 2022.

Sinabi ito ng pangulo kasabay ng kaniyang pangako na ikakampanya niya ang mga ito sa mga susunod na buwan.

“It is my hope that all of you will stand by the PDP-Laban’s principles and aspirations throughout the campaign period, and on election day, and beyond,” pahayag ni Duterte sa harap ng kaniyang mga bagong kapartido at local candidates sa Iligan City.

“I urge you to ensure the integrity of the elections for your respective positions, despite the challenges that you may face,” dagdag pa niya.

Kabilang rin sa event ang standard-bearer ng partido na sina Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Sa kabila ng kaniyang pahayag, tiwala naman umano ang pangulo na ang mga kandidato ng PDP-Laban ay nananatiling taglay ang mga magagandang kalidad ng isang pulitiko.

“I am confident that our candidates have the competence, integrity, and dedication that our people are looking for in a public servant,” aniya.

“Keep in mind that our victory will not only be ours but more importantly to the nation. As a political party, we should continue to put the welfare and progress of our country and people on top of our priorities. Our mission is and will always be to improve the quality of the life of the Filipinos,” dagdag ni Duterte.

Pinalakas niya rin ang loob ng mga kapartido na huwag mawalan ng pag-asa kahit pa sa mga gipitang sitwasyon at manatili lamang umanong matatag. RNT