Duterte: Si Trillanes, parehas ni Pacquiao ‘yan

Duterte: Si Trillanes, parehas ni Pacquiao ‘yan

July 7, 2021 @ 7:16 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kapwa pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang dalawang “political nemesis” na sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Senador Manny Pacquiao.

Para sa Pangulo, kapuwa “sabik” na makahawak ng kapagyarihan sa gobyerno.

“Si Trillanes, parehas ni Pacquiao ‘yan.  They want to, you know, hold power because they must have seen an opportunity for themselves,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

“I leave Trillanes to you . . . daldal nang daldal ‘yan, hindi naman lumaban ng debate ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

Kamakailan kasi ay inakusahan ni Trillanes at si Senador Bong Go ng plunder dahil P6.6 billion government contracts na napanalunan ng construction firm na pag-aari ng ama ng senador.

TInawag naman ni Go ang nasabing alegasyon na “rehashed at luma”.

Si Pacquiao, naman ay nagpasabog ng balita na mas malala ang korapsyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa kasalukuyang administrasyon.

Hayagang itinanggi naman ni Pangulong Duterte ang alegasyon ni Pacquiao at pinayuhan ang Pambansang Kamao na gampanan ang kanyang tungkulin at iwasan ang um-absent.

Usap-usapan na target ni Pacquiao ang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections habang lumutang naman ang pangalan ni Trillanes bilang isa sa mga “choices’ ng grupong 1Sambayan na tatakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa susunod na halalan. Kris Jose