Duterte tapos na sa quarantine; haharap na sa publiko  

Duterte tapos na sa quarantine; haharap na sa publiko  

February 7, 2022 @ 4:11 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Makikita na ulit ng publiko si si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa nakatakda nitong Talk to the People.

Ilang araw rin kasing hindi nakita ng publiko ang Pagulo makaraang sumailalim sa mandatory quarantine matapos na maging closed contact ng isang COVID positive.

Sinabi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa iskedyul ng Punong Ehekutibo ang pagsasagawa ng Talk to the People ngayong araw ng lunes.

Nauna nang sinabi ni Nograles na Pebrero 3 nang matapos ang pitong araw na pagpapa-quarantine ni Pang. Duterte na siyang mismong araw din na kinailangan nyang magtungo sa ospital para sa kanyang routine medical check up.

Samantala, naasahan na sa gagawing pagharap sa publiko ng Punong Ehekutibo ay tatalakayin nito nito ang iba’t ibang mahahalagang usapin partikular na ang patuloy na COVID-19 response ng gobyerno. Kris Jose