Duterte umatras na sa senate bid sa Halalan 2022

Duterte umatras na sa senate bid sa Halalan 2022

December 14, 2021 @ 4:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-Senador para sa Halalan 2022.

Kasabay ito ng pagbawi ng COC ng kanyang ka-alyado na si Senator Christopher “Bong” sa pagka-pangulo.

“The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections,” anunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Nauna nang italaga si Duterte ng partidong PDP-Laban na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, bilang vice presidential bet ng partido sa Halalan 2022.

Subalit sinabi ni Duterte na magreretiro na umano siya sa politika pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022. Noong isang buwan, naghain siya ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng substitution.

Pinalitan niya si Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).  Dalawang araw bago ito, naghain si Go ng substitute COC sa pagka-presidente, sa ilalim din ng PDDS. RNT/SA