Duterte wala pang susuportahang presidential bet

Duterte wala pang susuportahang presidential bet

February 8, 2022 @ 9:42 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Wala pang susuportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahit na sinumang presidential candidate sa nalalapit na Eleksyon 2022.

Ito ay maliban na lamang kung may makikita siyang magandang dahilan sa mga darating na buwan para magbago ang kanyag pag-iisip at desisyon.

“Almost all of the candidates in one way or the other, communicated to me na nakipag usap, nanghingi ng suporta,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

“I may in the end if I see that my advice, maybe endorsement, could help kung kailangan. But at this time, I am saying that I’m not supporting anybody. Unless there is a compelling reason for me to change my mind I decide to support a candidate,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang, sinabi ng Pangulo na isisiwalat niya sa publiko ang “corrupt at unfit presidential bets” sa tamang panahon.

“In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them. Kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” ayon sa Pangulo.

“I will tell you kung sino iyong pinaka-corrupt na kandidato. Hindi ako namumulitika. I am talking to you as your president. There are things you must know,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na lahat ng mga presidential candidates ay kuwalipikado subalit duda na dapat nilang i-negotiate ang kapayapaan sa mga komunista.

“All of them they are all qualified. Those running now are qualified to be president,” ani Pangulong Duterte.

“Okay ang tingin ko sa kanila except of misgivings of danger of falling into the hands of getting into the trap of the communists kasi para sa akin it’s about too late to be talking about peace talks,” aniya pa rin.

Tinukoy nito na maraming law enforcers ang namatay matapos makipaglaban sa communist groups.

“I don’t think the military will be happy about it and also the police. Because we have suffered deaths, patay. Marami na for fighting a cause that reel to nothing to relevance of ideology,” ayon sa Pangulo.

“Wala na. I see my soldiers and my police because I am a commander of chief. Every time I lose a life, one or two or three. It grieves me,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, muli namang nagpakita ang Pangulo sa publiko “on national television” matapos na sumailalim sa mandatory quarantine kasunod ng kanyang exposure sa isang COVID-19-positive member ng kanyang household staff o kasambahay.

Iyon ang dahilan kaya’t walang Talk to the People noong nakaraang linggo. Kris Jose