Duterte: We count on China as a friend and partner for peace and development

Duterte: We count on China as a friend and partner for peace and development

July 7, 2021 @ 9:20 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – “Indeed, a ‘sleeping dragon’ no more.”

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa China sa isinagawang virtual Communist Party of China (CPC) and World Political Parties summit, araw ng Martes,

“China has realized its dream of progress and prosperity for its people. With this came great power and equally immense responsibility. There won’t be any turning back,” ayon sa Pangulo.

Kaya para sa Pangulo, ang China ay hindi lamang mananatiling kaibigan at katuwang ng bansa pagdating sa ” peace and development,” kundi maging tagapagtanggol sa kung ano ang tama at karapat-dapat sa sangkatauhan.

Aniya pa, ang China ay mayroong mahalagang gampanin sa global affairs sa mga darating na dekada.

Tinukoy ng Pangulo ang mga hamon mula sa coronavirus pandemic, climate change hanggang security concerns.

“While we see difficulties, we also glean many opportunities for greater cooperation and solidarity,” ani Pangulong Duterte.

Pinuri naman ng Pangulo ang China at kinilala ang kapangyarihan at responsibiidad nito.

“We count on China as a friend and partner for peace and development,” ayon sa Pangulo sa nasabing assembly na dinaluhan ni Chinese President Xi Jinping at iba pang political leaders mula sa iba’t ibang bansa.

“We trust in the collective wisdom of the great Chinese nation — that China will use its newfound strength in defense of what is good and just for all humanity,” anito.

Para sa mga taong nakatira sa global village, naniniwala si Pangulong Duterte na ang kapalaran ng mga tao ang nag-uugnay sa isa’t isa.

“Peace and prosperity therefore must be shared and enjoyed by all,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Ang Pangulo, kung saan sa simula pa lamang ay isinusulong na ang magandang unayan sa China sa kabila ng territorial dispute, ay nagbigay puri sa “extraordinary rise” ng China tungo sa kasaganaan sa ilalim ng liderato ng CPC.

Nagawa kasi ng China na itaas ang mahigit sa 800 milyong tsinoy mula sa kahirapan habang isinusulong ang global growth.

Kinuha naman ng Punong Ehekutibo ang pagkakataon na magpaabot ng pasasalamat sa China dahil sa tulong nito sa panahon ng pandemiya.

Nauna rito, nag-donate ang China milyong doses ng Sinovac vaccines na ginamit pa sa vaccination program ng Pilipinas.

“I thank the Chinese Government for its timely assistance that has helped the Philippines contain the COVID-19 pandemic and restart its economy,” ayon sa Pangulo.

“We value the [friendly] ties between PDP-Laban and the CPC that have grown significantly over the years,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

At para mas lalo pag makapagtatag ng “mutual trust and confidence,” nagpanukala si Pangulog Duterte na panatilihin ang constructive dialogue at peaceful engagement sa pagitan ng dalawang bansa.

Mahalaga aniya ito para sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China para sa layununing “expand and deepen.”

“The ties between the Filipino and Chinese peoples are deep and enduring. They will remain so for as long as we continue to value win-win cooperation, amity and mutual respect,” ayon kay Pangulong Duterte. Kris Jose