Colombo – Inanunsyo ng Sri Lanka na sisimulan na nilang bitayin ang mga kriminal na sangkot sa iligal na droga upang wakasan ang kalahating siglong ‘moratorium’ sa capital punishment at ipinangakong gagayahin ang tagumpay ng Pilipinas sa antidrug war.
Simula noong umupo sa pagka-presidente si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016, ang kaniyang brutal na laban kontra droga ay nag-iwan ng malaking bilang ng mga namatay na sinundan ng mga alegasyon ng ‘crimes against humanity.’
Sinabi ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena sa kaniyang Gabinete na siya ay “ready to sign the death warrants” sa mga uulit na drug offenders at magde-deploy din ng militar para talakayin ang mga krimen sa iligal na droga.
“From now on, we will hang drug offenders without commuting their death sentences,” sabi ni Rajitha Senaratne.
“We were told that the Philippines has been successful in dealing with this problem. We will try to replicate their success,” dagdag pa niya.
Pinalitan ng Sri Lanka ang kanilang death sentence para sa mga ‘serious crimes’ ng panghabang buhay na pagkakulong simula noong 1976.
Ayon pa kay Senarte, mayroong 19 drug offenders ang nakaligtas sa death sentence nang palitan ito ng pagkakulong ng panghabangbuhay noong 1976.
Hindi pa naman malinaw kung bibitayin din sila sa ilalim ng pagbabago ng polisya. (Remate News Team)