Dwight Ramos lalaro sa Gilas sa 4th window ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers

Dwight Ramos lalaro sa Gilas sa 4th window ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers

August 1, 2022 @ 2:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines — Siniguro ni Gilas Pilipinas stalwart Dwight Ramos na magiging malusog siya at makapaglalaro sa pambansang koponan pagdating sa ika-apat na window ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers sa huling bahagi ng Agosto.

Ibinunyag ni Ramos ang kanyang kalagayan sa kalusugan matapos hindi makasali sa FIBA ​​Asia Cup dahil sa injury.

“I’m all good already, nagwo-work out na ako,” ani Ramos.

“Nag-eehersisyo lang ako, naghahanda, nagpapahubog para sa susunod na window,” dagdag niya.

Huling naglaro si Ramos para sa Gilas noong Hulyo 3, nang makasagupa nila ang India sa Mall of Asia Arena. Nagwagi ang Gilas, 79-63.

Nagtapos si Ramos na may 21 puntos, limang rebound, dalawang assist, at apat na steals sa larong iyon.

Nagpahayag din ng pananabik ang 22-anyos na posibleng makipaglaro kasama si Filipino-American guard Jordan Clarkson na makakasama sa Gilas sa fourth window.

Sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na  tuloy ang paglalaro ni Clarkson para sa mga laro sa Agosto 25 at 29 laban sa Lebanon at Saudi Arabia, ayon sa pagkakasunod.

“Obviously, nakakatuwang marinig na makikipaglaro ka sa isang NBA player,” sabi ni Ramos.

Sinabi ng Japan B. League cager na gusto niyang matuto hangga’t kaya niya mula sa dating NBA Sixth Man of the Year.

“[A]s soon as he gets here, whenever that is, I’ll try and learn and see the little things he does, try and learn from him, bata pa naman ako so I’m just taking in as much as Kaya ko naman,” sabi niya.JC