Dwyane Wade, sinulsulan ng $25 million ng Chinese team!

Dwyane Wade, sinulsulan ng $25 million ng Chinese team!

July 25, 2018 @ 11:04 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kahit na hindi pa nagbibigay ang NBA star na si Dwyane Wade ng kaniyang desisyon para sa kaniyang karera sa basketball, pinag-aagawan naman siya ng ilang kuponan ng Chinese Basketball Association.

Ayon sa ulat mula saChinese journalist na si Zhang Dou, inalok ng Zhejiang Golden Bulls si Wade ng $25 million para sa tatlong taon. Bukod pa rito, nagpa-plano ring mag-alok ng ‘monster deal’ ang Xinjiang Flying Tigers.

Si Wade ay nakalikom lamang ng $2.3 million noong nakaraang season sa kuponan ng Cleveland Cavaliers at Miami Heat. Kasalukuyan siyang nasa China para sa isang marketing tour matapos pumirma ng kontrata noong nakaraang linggo sa isang chinese apparel company na Li-Ning.

Inanunsiyo rin ni Wade ang kaniyang lifetime deal noong Miyerkules sa Beijing kasabay ng pag-launch ng new Way of Wade 7 shoe.

Samantala, noong nakarang linggo rin sinabi ni Wade na pagtutuunan niya ng pansin ang kaniyang NBA career sa kaniyang pagbalik mula sa China. Kasama naman ni Wade sa naturang bansa ang kapwa free agent at Heat teammate na si Udonis Haslem.

Naglaro si Wade para sa Cleveland Cavaliers sa simula ng last season at lumipat sa Heat noong February para sa 2024 second-round draft pick. (Remate News Team)