Dyip, dumayb sa bangin; 2 sugatan

Dyip, dumayb sa bangin; 2 sugatan

July 10, 2022 @ 10:41 AM 1 month ago


BENGUET- Isinugod sa ospital ang dalawang indibiduwal matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang private utility vehicle (Wrangler Type Jeep) sa Beling, Caliking, Atok ng lalawigang ito.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Joseph Pocles Cawaing, 35, residente ng Sayangan, Paoay, Atok, Benguet at Marfil Ligawen Belino, 41, residente ng Caliking Proper, Atok, Benguet.

Sa inisyal na imbestigayon ng Atok Municipal Police Station, ang naturang sasakyan na minamaneho ni Josephay galing ng Km20, Tabeyo, Tublay at papuntang Caliking Proper.

Nagkaroon umano ng mechanical defect sa preno ng sasakyan habang pababa ito sa downhill portion ng kalsada kaya nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa mahulog ang kanilang sasakyan sa bangin na may lalim na 10 metro.

Agad na dinala sa ospital ang dalawa matapos ang insidente. Rolando S. Gamoso