Cagayan sapul sa M-5.7 na lindol – PHIVOLCS

March 23, 2023 @8:57 AM
Views: 3
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Calayan, Cagayan nitong Huwebes ng umaga, Marso 23.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol kanluran ng Dalupiri Island bandang 7:32 ng umaga.
May lalim itong 43 kilometro at tectonic in origin.
Samantala, naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Pasuquin, Ilocos Norte; San Antonio, Zambales
Intensity II – Laoag City, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela;
Intensity I – Penablanca and Gonzaga, Cagayan; Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Santol, La Union
Ayon naman sa PHIVOLCS, walang inaasahang matinding pinsala dulot ng lindol bagama’t posible pa ang mga aftershock. RNT/JGC
1 sa 4 na Pinoy, nagsa-Salah limang beses isang araw – SWS

March 23, 2023 @8:44 AM
Views: 11
MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) na isa sa apat na Filipinong Muslim ang nananalangin ng Salah limang beses isang araw.
Sa National Survey noong Disyembre 10 hanggang 14, 2022, tinanong ang mga Muslim respondents kung ilang beses silang nananalangin ng Salah, o panalangin na isinasagawa ng mga Muslim limang beses kada araw o ayon sa itinakdang dami.
Lumabas sa resulta na 26% ng mga Filipino Muslims ang nananalangin ng Salah limang beses kada araw, 32% naman ang “few times daily”, 38% “sometimes” at 3% ang tuwing Ramadan lang, habang 2% ang nagsabing mahigit isang taon na ang nakalilipas nang sila ay huling mag-Salah.
Patungkol naman sa pagdalo sa religious service, 71% ng mga Muslim ang nagsabing dumadalo sila ng religious service isang beses sa isang linggo o mahigit sa isang beses, 9% ang nagsabing dalawa o higit pang beses kada buwan, 6% ang nagsabing isang beses isang linggo, 1% ang nagsabing dalawa hanggang 11 beses sa isang taon, 7% ang nagsabing isang beses isang taon at 3% ang nagsabing hindi kailanman.
Samantala, 96% ng mga Muslim ang nagsabing personal silang nagtungo sa mga lugar sambahan sa nakalipas na tatlong buwan at 3% ang nagsabing hindi sila nakadalo sa anumang religious service.
Ang naturang survey ay idinaos sa pamamagitan ng face-to-face interview kasama ang 1,200 adults edad 18 pataas sa buong bansa.
Nasa 6% ng mga respondents nito ay Muslim, ayon sa SWS. RNT/JGC
Mandatory ROTC bill, umakyat na sa plenaryo ng Senado

March 23, 2023 @8:31 AM
Views: 18
MANILA, Philippines – Umarangkada na para sa plenary debates ang panukalang gagawing mandatoryo ang Reserve Officers’ Training Corps program sa mga estudyante sa higher education institutions (HEIs) at technical-vocational institutions (TVIs).
Nitong Miyerkules, Marso 22, ay inisponsoran ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang Senate Bill 2034 na substitution sa walong proposed measures kaugnay ng mandatory ROTC, na isa sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos.
Sa ilalim ng panukala, sasakupin ng mandatory basic ROTC program ang lahat ng estudyante na naka-enroll sa hindi bababa sa dalawang taon nang undergraduate degree, diploma, o certificate programs sa HEIs at TVIs.
Ang programa ay kukunin sa loob ng apat na semester.
Hindi naman magiging kwalipikado para makapagtapos ang estudyanteng hindi papasok sa ROTC program.
Mahaharap din sa disciplinary at administrative sanctions ang mga paaralan na hindi magpapatupad ng basic ROTC, mula sa Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority.
Gagawan din ng specialized program ang naturang programa para sa mga estudyante na maituturing na persons with disabilities, at mga mayroong religious beliefs na nagbabawal sa paghawak ng armas upang makapagserbisyo sa bansa, o mga na-convict sa krimen kabilang ang
moral turpitude.
Bubuoin naman ng Department of National Defense, CHED, at TESDA, kasama ng pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya ng gobyerno at stakeholders ang Basic ROTC Program Curriculum.
Mayroon ding probisyon ang panukala na nagbibigay ng Advance ROTC program ngunit hindi na sapilitan para sa lahat.
Magbibigay naman ng insentibo para sa mga estudyante na lalahok sa programang ito.
Saad naman sa Section 14 ng panukala ang mga safeguards upang maiwasan ang hazing, korapsyon at iba pang uri ng pang-aabuso kasabay ng pagtatatag ng ROTC grievance board para sa mga reklamong may kaugnayan dito. RNT/JGC
Paolo, tinawag na mukhang tanga ang bashers!

March 23, 2023 @8:30 AM
Views: 13
Manila, Philippines- Kailanma’y hindi magtatagumpay ang kanyang mga bashers.
Ito ang paniniwala ni Paolo Contis sa mga bashers niya.
Wala raw kasing alam ang mga ito sa kuwento ng buhay niya.
“Technically, wala silang alam kahit sinasabi nilang meron,” aniya.
Kung susukatin daw by percentage, mga 10 to 15% lang ang alam ng mga bashers.
Ever since naman daw kasi’y hindi niya hinahayaan ang kanyang sarili na maapektuhan.
Binansagan nga niyang background noise ang mga ito who pretend to know everything about him.
“My personal problems are mine. Hindi porke nananahimik ako, ibig sabihin ay wala akong ginagawa,” ani Paolo na hindi naniniwalang dapat gamiting sounding board ang social media bilang daan para malaman ng buong mundo ang kanyang pinagdadaanan.
Proof ng pagmamaliit nga ng aktor sa kanyang mga bashers ay nang sabihin niyang: “Sino’ng mukhang tanga ngayon?!”
May ilang netizens namang naninindigan na imposibleng kahit katiting ay hindi apektado ang actor sa inaabot na pamba-bash.
Kung ganoon daw ay napaka-dense o insensitive ni Paolo.
Defense mechanism na lang daw ‘yon ng aktor pero deep within ay nasasaktan din daw siya kahit paano.
Hindi pa raw ba sapat na paratangan siyang walang kuwentang ama sa mga anak niya sa dalawang babaeng nakarelasyon niya?
Kung tutuusi’y nahahabag ang mga netizen sa maaaring sapitin ng nobya niyang si Yen Santos.
May precedent na raw kasi.
Paano kung magkaanak daw si Yen kay Paolo na hindi malayong mangyari?
Saka raw maliitin ni Paolo ang mga aniya’y mukhang tangang bashers niya pag hindi nangyaring iwanan din niya si Yen at magiging anak nila.
May point. Ronnie Carrasco III
13 patay sa Afghanistan-Pakistan quake

March 23, 2023 @8:20 AM
Views: 20