E-aginaldo ipauso ngayong Pasko-BSP

E-aginaldo ipauso ngayong Pasko-BSP

December 21, 2022 @ 8:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Imbes na pera, hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipasa na lang sa e-wallet ang mga aginaldo na ibibigay sa mga inaanak sa Pasko.

“The economy becomes more efficient, and our costs lower when people use e-money. It’s also more environment-friendly,” paliwanag ni BSP Governor Felipe Medalla.

Sa kabila nito, siniguro naman ng BSP na handa sila sa pamamahagi ng malulutong na pisikal na pera, dahil nakagawian na ito tuwing Pasko.

Kung naghihigpit naman ng sinturon, may tip ang isang financial planner para sa mga ninong at ninang.

“Kung gusto mo makatipid ay ‘yung regifting – ‘yung mayroon kang natanggap na regalo na hindi mo naman gagamitin o hindi mo gusto, puwedeng iregalo ‘yun sa iba ‘yun basta siyempre hindi personalized ‘yung regalo,” ani registered financial planner na si Fitz Villafuerte. RNT