E-bike nahagip ng tren, ginang patay

E-bike nahagip ng tren, ginang patay

November 4, 2022 @ 7:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang ginang nang mahagip at makaladkad ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways o PNR sa Paco, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Dahlia Barcelon y Dela Merced, 55, nakatira sa 1780 Mulawin Alley, Peralta Street, Sta Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement Unit, binabagtas ni Merced sakay ng kanyang electronic bike ang kahabaan ng westbound direction ng Dr. ML Carreon Street alas-6:30 ng gabi nitong Huwebes, Nobyembre 3 nang pagsapit sa Laura Street, Railroad Crossing Paco, Maynila ay nahagip ng tren na may body number na EMU 5 Del 917 patungong northbound.

Ang biktima ay nakaladkad ng ilang metro na nagresulta ng agaran nitong pagkasawi.

Dinala ang labi ng biktima sa Manila Islamic Cemetery & Cultural Hall para sa safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden