E-Cigarettes 10 beses na may cancer causing ingredients kaysa tunay na yosi

E-Cigarettes 10 beses na may cancer causing ingredients kaysa tunay na yosi

July 19, 2018 @ 3:02 PM 5 years ago


Taliwas sa sinasabing ito ang sagot sa pag-iwas ng mga tao sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo, may mga bagong research na nagpapatunay na ang electronic cigarettes ay mas nagtataglay ng beses na cancer causing ingredients kaysa mga tunay na produktong tabako.

Nilikha ang E-cigarettes upang pamalit sa panganib o life destroying habit na paninigarilyo. Ngunit natuklasan na mas delikado pa pala ito kaysa tunay na yosi.

Pero bakit nagkalat ang mga e-cigarettes nang wala munang pag-aaral sa panganib nito o approval ng mga kinauukulan bago ito pinahintulutan?

Sino ang mga responsable at dapat managot sa nasabing kapalpakan?

E ano nga ba ang electronic cigarettes?

“Electronic cigarettes are products designed to deliver nicotine or other substances to a user in the form of a vapor. Typically, they are composed of a rechargeable, battery-operated heating element, a replaceable cartridge that may contain nicotine or other chemicals, and an atomizer that, when heated, converts the contents of the cartridge into a vapor. This vapor can then be inhaled by the user. These products are often made to look like such products as cigarettes, cigars, and pipes. They are also sometimes made to look like everyday items such as pens and USB memory sticks, for people who wish to use the product without others noticing.”

Pero ang masaklap, ang E-cigarettes ay ginagamit ngayon ng “hundreds of thousands” na mga underage children at milyong adults sa pag-aakalang ito ay ligtas na alternatibo sa pag-iwas sa paninigarilyo ng tobacco products.

Ayon sa research ng mga Japanese scientists, ang e-cigarettes ay nagtataglay ng 10 beses  na level of cancer-causing carcinogens.

Nakitaan ang e-cigarette ng formaldehyde at acetaldehyde carcinogens sa likido na pangunahing sangkap nito.

Natuklasan din na ang e-cigarettes ay potensiyal na banta sa buhay ng tao dahil sa taglay nitong drug-resistant pathogens.

Sinabi ni researcher Naoki Kunugita: “In one brand of e-cigarette the team found more than 10 times the level of carcinogens contained in one regular cigarette. Especially when the wire (which vaporizes the liquid) gets overheated, higher amounts of those harmful substances seemed to be produced.”

Noong kaagahan ng 2015, nag-abiso na ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na ibawal na ang pagbebenta ng e-cigarettes, lalo sa mga menor de edad dahil sa panganib. (Nats Taboy)