E-sabong ipinadedeklarang labag sa batas

E-sabong ipinadedeklarang labag sa batas

January 30, 2023 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nais ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes, Enero 30 na inirekomenda ng Anti-Cyber Group (ACG) na ideklarang illegal ang e-sabong o online cockfighting sa ilalim ng isang batas.

“The PNP-ACG has recommended [the] inclusion of e-sabong to illegal gambling activities penalized under Presidential Decree 1602, and sanctions against service providers that will fail to block or takedown e-sabong websites,” pahayag ni Azurin.

“It should be noted that e-sabong websites hosted outside the Philippines can only be blocked, not taken down, as these sites can continue to operate via virtual private network,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay mayroong na-monitor ang PNP na 272 platform para sa e-sabong kabilang ang 146 websites, 67 Facebook accounts, 31 Facebook groups, 18 Facebook pages at 10 mobile application.

Humingi na ng tulong ang pulisya sa Department of Information and Communication Technology at National Telecommunications Commission para pabagsakin ang limang aktibong website na nagpapatuloy pa rin sa e-sabong hosting.

Sa ngayon, mayroon nang 102 plataporma ang na-block o pinabagsak, 76 ang binura o na-deactivate, habang 39 website naman at Facebook page ang idineklarang inactive at out of service.

Noong Disyembre 2022, naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng
Executive Order No. 9 na nag-uutos ng pagpapatuloy ng suspensyon sa lahat ng aktibidad na may kinalaman sa e-sabong.

Naunang inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2022 ang rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government na ihinto ang e-sabong sa bansa dahil sa pagkalulong ng mga Filipino dito. RNT/JGC