E. Samar isinailalim sa state of calamity sa ulan, baha

E. Samar isinailalim sa state of calamity sa ulan, baha

January 14, 2023 @ 9:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilagay ang Eastern Samar sa ilalim ng state of calamity dahil sa walang humpay na ulan at labis na pagbaha.

Sinabi ni Governor Ben Evardone na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon sa special session nitong Biyernes.

“The declaration was requested by the Provincial Disaster Risk and Reduction Council in the meeting this morning due to massive flooding in some areas of the province,” dagdag ng gobernador.

Ikinasa ang red warning level– na nangangahulugang inaasahan ang severe flooding at landslides– sa Eastern Samar dakong alas-8:30 ng gabi.

Sa resolusyon, iniulat ng disaster office ng lalawigan na 22 bayan ang binaha habang 248,968 indibidwal ang apektado.

Nagbibigay-daan ang deklarasyon para magamit ng lokal na pamahalaan ang Calamity Reserve Fund na epektibo sa petsang Jan. 13, hanggang alisin ito ng provincial board kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon. RNT/SA