E. Samar, mga karatig-lugar niyanig ng M-4.6 lindol

E. Samar, mga karatig-lugar niyanig ng M-4.6 lindol

July 21, 2022 @ 3:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Eastern Samar at mga karatig-lugar kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Tumama ang tectonic tremor 18 kilometro southwest ng bayan ng Hernani bandang alas-10 ng umaga, ayon sa Phivolcs.

Sa lalim na 28 km, naramdaman ang “moderately strong” Intensity IV na lindol sa mga bayan ng Hernani at Llorente.

Samantala, naitala naman ang Intensity III, sa Tacloban City at Dulag, Leyte; sa Borongan City, Giporlos, Maydolong, Gen. MacArthur, Lawaan, Balangiga at Quinapondan sa Eastern Samar; at Basey, Marabut, at Sta. Rita sa Samar.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Julita, Tanauan, Barugo, Palo, Pastrana, Alangalang at Abuyog sa Leyte; at Salcedo at Sulat sa Eastern Samar.

Wala namang inaasahang aftershocks, base sa Phivolcs. RNT/SA