E. Visayas, 3 lugar uulanin sa easterlies

E. Visayas, 3 lugar uulanin sa easterlies

April 25, 2022 @ 6:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makaapekto ang easterlies sa karamihang bahagi ng bansa at makapagdadala ng  maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas, Albay, Sorsogon, at Catanduanes ngayong Lunes, sinabi ng PAGASA.

Ang mga flash flood o landslide ay maaaring umusbong dala ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies at localized thunderstorms. Ibinabala rin ng weather bureau ang  pagbaha o pagguho ng lupa sa matinding pag-ulan.

Samantala, ang Intertropical Convergence Zone ay nakakaapekto sa Southern Mindanao.

Ang mga tubig sa baybayin ay magiging bahagyang hanggang katamtaman sa buong bansa.

Sumikat ang araw bandang alas-5:37 ng umaga habang lulubog ito bandang 6:12 ng gabi. RNT