Eagles Club nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa QC

Eagles Club nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa QC

February 26, 2023 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng tulong ang Pinagpala Kamandag Eagles Club sa pamumuno ni Kuya President Garry Boy Depon kaagapay ang Sta. Maria Magnificent Eagles Club sa pamumuno ni Kuya President Solomon Jover katuwang si Northern Luzon Region VI Gov. Rommel M. Manuel para sa mga residenteng naapektuhan ng naganap na sunog sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Namigay ang mga miyembro ng mga timba, tabo, sabon, hanger, toothpaste, food packs, damit, pantalon, sapatos, laruan at iba pang pangangailangan ng mga biktima upang kanilang magamit sa pang-araw-araw.

Tinatayang aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab
ang sunog sa Manunggal Street sa Barangay Tatalon ng naturang lungsod.

Umabot hanggang ikalawang alarma ang sunog na mabilis na kumalat sa
mga bahay sa lugar dahil gawa ang mga ito sa light materials. Jojo Rabulan