Eala bigo sa W25 sa Spain

Eala bigo sa W25 sa Spain

July 31, 2022 @ 10:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang natanggal si  Alex Eala sa W25 El Espinar/Segovia matapos siyang matalo sa semifinal round kontra kay hometown bet na si Eva Guerrero Alvarez sa iskor na 2-6, 6-3, 2-6 sa larong ginaganap sa Spain.

Si Eala, 17, ay sumakay sa kanyang ikalawang sunod na final four exit nang natisod din siya laban kay French Jessika Ponchet sa semifinals ng W60 Vitoria-Gasteiz noong nakaraang linggo.

Makakaharap naman ni Guerrero Alvarez si Mirra Andreeva ng Russia, na naging matagumpay din sa pag-dispatch ng kanyang semifinal foe na si Diana Marcinkevica ng Latvia.

Para makapasok sa semis, tinalo ni 4 seeded Eala si Rosa Vicens Mas ng Spain sa quarterfinals, si Amy Zhu ng United States sa second round, at si Maria Bondareko ng Russia sa opener.RICO NAVARRO