Eala bigong umusad sa main draw slot ng W25 Manacor tourney

Eala bigong umusad sa main draw slot ng W25 Manacor tourney

January 19, 2022 @ 12:07 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Bigo si Filipino tennis sensation Alex Eala na makausad sa main draw slot ng  W25 Manacor tournament matapos matalo kay Alice Rame ng France sa score na 6-2, 6-4 sa torneo na ginanap sa Spain.

Agad na umarangkada ang 24-anyos na si Rame na nakakuha ng 2-0 sa opening set laban sa 16-anyos na si Eala.

Nakagawa ng double fault si Eala dahilan para makuha ni Rame ang advantage sa iskor na 3-2 hanggang magpalitan sila ng puntos.

Bago ang sagupaan ng dalawa, tinalo muna ni Eala si Ella Hojinik ng Slovenia na sinundan pa ni  Mia Chudejova ng Slovakia.JC