Eala swak sa round of 16 sa W60 Harmburg

Eala swak sa round of 16 sa W60 Harmburg

October 19, 2022 @ 8:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines — Umahon mula sa set down si Pinoy tennis sensation Alex Eala para pumasok sa Round of 16 sa W60 Hamburg sa Germany nitong Miyerkules.

Naging matamlay ang simula ni Eala sa laban kontra Ekatterina Kazionova subalit nakabawi ito sa tatlong set na panalo, 2-6, 6-4, 6-4 sa isang 2-hour, 44-minute netfest.

Nalaglag si  Eala sa loob ng 36 minuto sa opening salvo subalit nabago ihip ng hangin nang tapusin nito ang ikalawang set na may tatlong sunod na panalo.

Nabigyan si Eala ng break point sa Game 8 ng second dahilan para manatili itong buhay sa sagupaan.

Bagama’t dalawang beses na nailigtas ng 23-anyos na si Kazionova ang break point, nag-convert si Eala sa pangatlong beses para itabla ang set. Umabot hanggang  set 3 ang laban na nauwi sa panalo ng 17-year-old na Pinay.

Sunod na haharapin ni Eala si top seed na si Ysaline Bonaventure sa ikalawang round sa Huwebes.

Matatandaang naabot ni ni Eala ang quarterfinals sa 60,000 tiff sa California noong nakaraang niyang tournament.

Tinarget ng US Open Girls’ Singles champion ang kanyang ikatlong titulo sa women’s singles sa pro circuit.JC