Eala wagi sa debut game sa Wimby

Eala wagi sa debut game sa Wimby

July 6, 2021 @ 9:46 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Agad dinispatsa ni Filipina teen tennis sensation Alex Eala ang kasagupang si Solana Sierra ng Argentina sa kanyang debut game sa Wimbledon girls singles tournament sa London nitong Lunes ng gabi (Manila time).

Nagtagal ang laban sa loob ng 1 hour a 4 minutes para umusad sa susunod na round ng Grand Slam event ang 16-year-old Pinay.

mpresibo ang ipinakitang laro ni Eala, naka-rank na no. 3 sa junior world rankings, at dinispatsa agad nito ang kasagupang Argentinian.

Nagwagi si Eala sa first set pero bumawi sa 2nd set si Sierra bago ito umarangkada para ipanalo ang sumunod na diretsong five sets.

Naipanalo naman Sierra abng 7th set pero sinelyuhan ni Eala ang panalo matapos magwagi sa eight game, 6-2.