East Avenue Medical Center gagawing pang-COVID-19 na lang

East Avenue Medical Center gagawing pang-COVID-19 na lang

August 6, 2020 @ 4:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Gagawing tanging ospital para sa pagpapagamot sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City, ayon kay National Task Force COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr.

“Sa ngayon magkatuwang si Department of Public Works Secretary Mark Villar, Sec. Vince Dizon at Health Undersecretary Leopoldo Vega na mapaayos at ma-convert ang East Avenue na maging COVID dedicated hospital,” pahayag ni Galvez sa isang briefing.

Ayon kay Galvez, ang EAMC ay magbibigay ng 250 isolation beds at COVID-19 ward beds maging ang nasa 30 beds para sa intensive care unit (ICU).

Dagdag pa ng opisyal, nagdagdag na ang pamahalaang ng 50 hanggang 100 beds para sa mga COVID-19 referral hospital na Philippine General Hospital sa Maynila at ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Maaalalang inirekomenda ni Galvez ang apat na ospital sa Metro Manila na ilalaan para sa COVID-19 treatment kung saan magagamit ito sa pagpapagaling ng mga pasyenteng positibo sa nasabing sakit at para maprotektahan din ang mga pasyenteng walang COVID. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...