Easterlies, localized thunderstorms magpapaulan sa bansa

Easterlies, localized thunderstorms magpapaulan sa bansa

July 23, 2022 @ 8:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy na makaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies / localized thunderstorms.

Inaasahan naman sa buong bansa ang light to moderate wind speed patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas- 5:37 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:28 ng gabi. RNT/SA