Easterlies magdadala ng pag-ulan sa buong kapuluan

Easterlies magdadala ng pag-ulan sa buong kapuluan

March 29, 2021 @ 6:33 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ualn ang easterlies sa buong bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ayon pa sa PAGASA na may posibilidad ng pagbaha at pagguho sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Ang mga baybayin naman sa Extreme Northern Luzon ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Habang ang mga natitirang baybayin sa bansa ay magiging mahina hanggang sa bahagyan ang alon.

Sumikat ang araw bandang 5:56 ng umaga at lulubog dakong 6:08 ng gabi. RNT/ELM


  •  
  •  
  •