Easterlies magpapaulan sa Bicol, Eastern Visayas, Aurora

Easterlies magpapaulan sa Bicol, Eastern Visayas, Aurora

July 12, 2021 @ 6:34 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang easterlies at localized thunderstorm sa bansa ngayong Lunes, Hulyo 12.

Makararanas ng mga pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas at Aurora.

Samantala, makararanas ng panaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dala ng easterlies at localized thunderstorms.

Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:34 a.m. at lumubog bandang 6:30 p.m. RNT/FGDC