Easterlies magpapaulan sa Bicol, iba pang lugar

Easterlies magpapaulan sa Bicol, iba pang lugar

December 5, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan ang easterlies na nakaaapekto sa bansa, na sasabayan ng kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at Quezon ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Posibleng magresulta sa pagbaha o pagguho ng lupa ang “light to moderate to at times heavy rains.”

Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, inaasahan ang partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa seaboards ng Extreme Northern Luzon.

Sa natitirang bahagi ng bansa, ito naman ay inaasahang magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kanjnang alas-6:07 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:26 ng hapon. RNT/SA