Easterlies magpapaulan sa buong bansa

Easterlies magpapaulan sa buong bansa

April 4, 2021 @ 8:31 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa buong bansa ang easterlies ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang buong bansa maliban sa Batanes at Babuyan Islands ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan dala ng easterlies at localized thunderstorms kung saan may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Magiging katamtaman hanggang sa maulap naman na may mahihinang hiwa-hiwalay na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa northeasterly surface windflow.

Ang mga alon naman sa mga baybayin ng Extreme Northern Luzon ay magiging katamtaman habang mahina hanggang sa bahagya sa natitirang baybayin ng bansa.

Sumikat ang araw dakong 5:50 ng umaga at lulubog bandang 6:09 ng gabi. RNT/ELM


  •  
  •  
  •