Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

December 4, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ngayong Linggo, Disyembre 4 ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Ito ay ayon sa ulat ng PAGASA kung saan partikular na tinukoy na maaapektuhan ng easterlies ang silangan bahagi ng bansa.

Maliban dito ay maaari rin na magkaroon ng mga localized thunderstorm na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide kung lalakas pa.

Samantala, wala pa naman namamataan na sama ng panahon o bagyo sa Philippine Area of Responsibility. RNT/JGC