Easterlies magpapaulan sa ilang parte ng Luzon, Visayas

Easterlies magpapaulan sa ilang parte ng Luzon, Visayas

July 11, 2021 @ 8:33 AM 1 year ago


 MANILA, Philippines – Uulanin ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa easterlies, ayon sa morning forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na pag-ulan at thunderstorms bunsod ng easterlies at Intertropical Convergence Zone.

Babala ng PAGASA na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa tuwing lalakas ang buhos ng ulan.

Samantala, magiging mahina hanggang sa katamtaman ang taas ng mga alon sa mga baybayin sa buong bansa.

Lulubog ang araw ganap na 6:30 ng gabi. RNT/ELM