Easterlies magpapaulan sa Luzon, Visayas; LPA namataan sa Batanes

Easterlies magpapaulan sa Luzon, Visayas; LPA namataan sa Batanes

April 5, 2021 @ 6:33 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magpapaulan ang easterlies sa maraming lugar sa Luzon at Visayas ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging maulap na may hiwa-hiwalay na mahihinang pag-ulan sa Batanes at Cagayan dala ng easterlies.

Habang bahagya hanggang sa maulap na may hiwa-hiwalay na mahihinang pag-ulan sa nalalabing parte ng Luzon at Visayas bunsod din ng easterlies.

Sa Mindanao naman, localized thunderstorms ang magdadala ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may hiwa-hiwalay na pag-ulan na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na huling namataan sa 1,260 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Ang Northern Luzon may makararanas ng bahagya hanggang sa malakas na hangin na iihip patungong hilagang-silangan habang aabot ng 3.1 metro ang mga alon sa mga baybayin.

Habang sa Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging mahina hanggang sa katamtaman ang hangin sa direksyon ng hilagang-silangan habang aabot sa 2.5 metro ang taas ng mga alon.

Sa Mindanao naman ay magiging mahina hanggang sa bahagya ang hangin na iihip mula silangan patungong hilagang-silangan habang aabot hanggang sa 2.5 metro ang taas ng mga alon.

Sumikat ang araw dakong 5:49 ng umaga at lulubog bandang 6:09 ng gabi. RNT/ELM


  •  
  •  
  •