Easterlies magpapaulan sa NCR, bahagi ng VisMin

Easterlies magpapaulan sa NCR, bahagi ng VisMin

March 18, 2023 @ 8:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang  easterlies sa Eastern Visayas at bahagi ng Mindanao, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur na sasabayan ng pag-ulan dulot ng easterlies.

Makararanas naman sa Batanes at Babuyan Islands ng “partly cloudy to at times cloudy skies with isolated light rains due to the northeast monsoon”.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Batay sa ulat, makararanas ang Extreme Northern Luzon ng moderate to strong wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderatewind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:02 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:07 ng hapon. RNT/SA