Easterlies magpapaulan sa NCR, natitirang bahagi ng bansa

Easterlies magpapaulan sa NCR, natitirang bahagi ng bansa

July 24, 2022 @ 8:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy na makaaapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang easterlies, partikular na sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas, ngayong Linggo, at magdudulot ng isolated rain showers sa National Capital Region (NCR) at natitirang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Makararanas din sa NCR at natitirang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan na sasabayan ng thunderstorms, dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Posibleng magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lipa kapag nagkaroon ng severe thunderstorms.

Inaasahan naman na ang coastal waters sa buong bansa ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:37 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:28 ng gabi. RNT/SA