Easterlies magpapaulan sa Norte

Easterlies magpapaulan sa Norte

October 4, 2022 @ 6:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas habang ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay iiral naman sa Mindanao sa Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ ​​at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:46 a.m., habang lulubog ito mamayang 5:44 p.m. RNT